Jump to content

Appendix:Tagalog Roman Catholic prayers

From Wiktionary, the free dictionary

This appendix lists the Roman Catholic prayers as translated into Tagalog.

Prayers of the Mass

[edit]

Tanda ng Krus (Sign of the Cross)

[edit]
Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak,
at ng Espiritu Santo,
Amen.

Inaamin Ko (Confiteor)

[edit]
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala,
sa isip, sa salita,
sa gawa, at sa aking pagkukulang,
kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal,
at sa inyo, mga kapatid,
na ako'y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Kyrie

[edit]
Panginoon, kaawaan Mo kami.
Kristo, kaawaan Mo kami.

Papuri sa Diyos (Gloria)

[edit]
Papuri sa Diyos sa kaitaasan.
At sa lupa'y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin,
Dinarangal Ka namin,
Sinasamba Ka namin,
Ipinagbubunyi Ka namin,
Pinasasalamatan Ka namin, dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, bugtong na anak.
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Ikaw ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin
Sapangkat Ikaw lang ang banal,
at ang Kataas-taasan,
Ikaw lamang, O, Hesukristo, ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama, Amen!

Panunumpa ng Pananampalataya (Apostle's Creed)

[edit]
Sumasampalataya ako sa Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat,
nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang birhen,
pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing;
nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli,
umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doong magmumulang paririto't maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Nicene Creed

[edit]
Sumasampalataya ako sa iisang Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at hindi nakikita
Sumasampalataya ako sa isang Panginoong Hesukristo,
bugtong na anak ng Diyos,
sumilang sa Ama bago pa magkapanahon.
Diyos buhat ng Diyos,
liwanag buhat ng liwanag,
Diyos na totoo buhat ng Diyos na totoo,
sumilang at hindi ginawa,
kaisa ng Ama sa pagka-Diyos,
at sa pamamagitan Niya ay ginawa ang lahat.
Dahil sa pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan,
Siya ay nanaog mula sa kalangitan.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo
kay Mariang birhen at naging tao.
Ipinako sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing.
Muling Siyang nabuhay sa ikatlong araw
ayon sa banal na Kasulatan.
umakyat Siya sa kalangitan at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.
Paririto Siyang muli na may dakilang kapangyarihan,
upang hukuman ang mga buhay at mga patay.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay
na nanggagaling sa Ama at sa Anak.
Sinasamba siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak.
Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta.
Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at apostolika.
Gayundin sa isang binyag na ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

Sanctus

[edit]
Santo, Santo, Santo,
Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparito sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan!

Ama Namin (Lord's Prayer)

[edit]

The sentence with the brackets are generally not included in the traditional prayer, but is included in the Missal, coming after the embolism (see full text below).

Early Tagalog orthography (Spanish-based, from the Doctrina Cristiana)

Ama namin, nasa lang̃it ca,
Ypasamba mo ang ng̃alan mo,
Moui sa amin ang pagcahari mo,
Ypasonor ang loob mo,
Dito sa lupa parã sa lang̃it,
Bigyã mo cami ng̃aion nang aming cacanin para nang sa arao arao.
At pacaualin mo ang amin casalanã,
Yaiang uinaualan bahala namĩ sa loob,
ang casalanan nang nagcasasala sa amin.
Houag mo caming æwan nang di cami matalo nang tocso,
Datapouat yadia mo cami sa dilan masama.
[Sapagcat yyo ang caharian,
ang capangyarihan, at ang caloualhatian,
magpacailan man.
Amen, Jesus.]

Transcription to modern orthography

Ama Namin, nasa langit ka,
Ipasamba Mo ang ngalan Mo,
Muwi sa amin ang pagkahari Mo,
Ipasunod ang loob Mo,
Dito sa lupa parang sa langit,
Bigyan mo kami ngay-on ng aming kakanin para nang sa araw-araw,
At pakawalin mo ang aming kasalanan,
Yayang winawalang-bahala namin sa loob,
ang kasalanan ng nagkasasala sa amin.
Huwag Mo kaming aywan nang di kami matalo ng tukso,
Datapwat iadya mo kami sa dilang masama.
[Sapagkat Iyo ang kaharian,
ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian,
Magpakailanman.
Amen, Hesus.]

Modern version

Ama Namin, sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan Mo,
Mapasaamin ang kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo,
Dito sa lupa, para nang sa langit,
Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo ang aming mga kasalanan,
Para nang pagpapatawad namin sa pagkakasala sa amin,
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
[Sapagkat sa Iyo nagmumula ang kaharian,
ang kapangyarihan, at ang kapurihan.
Ngayon at magpakailanman.
Amen.]

Embolism

[edit]
Hinihiling naming, kami'y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.[1]

Kordero ng Diyos (Agnus Dei)

[edit]
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

Marian prayers

[edit]

Aba Ginoong Maria (Hail Mary)

[edit]

Early Tagalog orthography (Spanish-based, from the Doctrina Cristiana)

Aba guinoo Maria matoua cana, napopono ca nang graçia.
ang pang̃inoon dios, ce, nasayyo.
Bucor cang pinagpala sa babaying lahat.
Pinagpala naman ang yyong anac si Jesus.
Santa Maria yna nang, dios, ypanalang̃in mo camimaçasalanan
ng̃aion at cun mamatai cami. Amen Jesus.

Modern version

Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, patawarin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

Aba po, Santa Mariang Hari (Salve Regina)

[edit]
Aba po, Santa Mariang Hari, Ina ng Awa,
Ikaw ang buhay at katamisan;
Aba, pinanaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinabubuntunang-hininga namin
ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba pintakasi ka namin,
ilingon mo sa amin ang mata mong maawain,
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
O Santa Maria, Ina ng Diyos,
maawain at maalam at matamis na birhen.
: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
: Nang kami'y maging marapat makinabang sa mga pangako ni Kristo, aming Panginoon.
Amen.

Litany of Loreto

[edit]
Panginoon, kaawaan Mo kami
Kristo, kaawaan Mo kami
Panginoon, kaawaan Mo kami
Kristo, pakinggan Mo kami
Kristo, dinggin Mo kami
Diyos Ama sa langit,
: Maawa Ka sa amin
Diyos na Anak, Tagapagligtas ng sanlibutan
Diyos na Espiritu Santo'
Kabanal-banalang Trinidad, iisang Diyos
Santa Maria
(: Ipanalangin Mo kami.)
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga birhen,
Ina ni Kristo,
Ina ng Simbahan,
Ina ng awa,
Inang puspos ng biyaya ng Diyos,
Ina ng pag-asa,
Inang kalinis-linisan,
Inang walang kamalay-malay sa kasalanan,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang bahid,
Inang mapagmahal,
Inang kawili-wili,
Ina ng patnubay,
Ina ng Maygawa,
Ina ng Tagapagligtas,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng lalong dakila,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karunungan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng karangalan,
Sisidlan ng tanging kataimtiman,
Rosa mistika,
Tore ni David,
Toreng garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto ng Langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Tanggulan ng may mga may kasalanan,
Konsuwelo ng mga migrante,
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
Reyna ng mga anghel,
Reyna ng mga patriarka,
Reyna ng mga propeta
Reyna ng mga apostol,
Reyna ng mga martir,
Reyna ng mga kumpesor,
Reyna ng mga birhen,
Reyna ng lahat ng mga santo,
Reynang ipinaglihi na di-nagmana ng salang orihinal,
Reynang inakyat sa langit,
Reyna ng kasantus-santusang Rosaryo
Reyna ng pamilya
Reyna ng kapayapaan
: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sangkatauhan.
: Iligtas mo kami, Panginoon.
: Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan.
: Dinggin Mo kami, Panginoon.
: Kordero ng Diyos, na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan.
: Maawa ka sa amin.
: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
:Nang kami'y maging marapat makinabang sa mga pangako ng aming Panginoong Hesukristo.
Manalangin tayo.
Idinanadalangin namin sa Iyo na ipagkaloob Mo sa amin,
Panginoong aming Diyos,
ang pagtamasa ng patuloy na kagalingan ng kaluluwa at katawan,
at sa pamamagitan ng maluwalhating pintakasi ng mapalad na Birheng Maria,
upang makalaya kami mula sa pighati ng buhay ngayon,
at makamtan ang ligayang walang hanggan.
Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon.
Amen.

Orasyon (Angelus)

[edit]
: Binati ng anghel ng Panginoon ang Ginoong Santa Maria.
: At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo.

(Aba Ginoong Maria)

: Narito ang alipin ng Panginoon.
: Naganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

(Aba Ginoong Maria)

: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.
: At nakipamayan sa atin.

(Aba Ginoong Maria)

: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
: Nang kami'y maging marapat makinabang sa mga pangako ni Kristo, aming Panginoon.
Manalangin tayo.
Panginoon naming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong mahal na grasya.
At yayamang dahil sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni Kristong Anak Mo
pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus ay papakinabangan Mo kami ng Kaniyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit,
alang-alang kay Hesukristo ring Panginoon namin.
Amen.

(Luwalhati sa Ama)

Other prayers

[edit]

Luwalhati sa Ama (Gloria Patri)

[edit]
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang-hanggan.
Amen.

References

[edit]
  1. ^ The Order of Mass in Nine Languages, Liturgical Press, 2012